Alex Diaz, aminadong “pathirsty” sa socmed!

Alex Diaz, aminadong “pathirsty” sa socmed!

July 20, 2022 @ 12:45 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Ang pathirsty ay isang millennial term na ang ibig sabihin ay mahilig mag-selfie, magpa-cute at mag-post ng mga sexy pics ng sarili sa socmed. And Alex Diaz is one actor na proud na kanyang sinabi, na siya ay isang perfect example ng pathirsty.

“Yes, if you can check sa socmed accounts ko pathirsty talaga ako and I think wala namamg masama du’n. Those are my pages anyway,” sabi pa ni Alex sa private screening ng kanyang movie na may titulong Pathirsty.

Tinanong din si Alex na kung papipiliin siya between friends and a lover, sino ang mas matimbang sa kanya?

“I’m actually a career person, so friends first before lover, but who knows. No one can tell kapag nandiyan na. I’m willing to be surprised,” sabi pa niya.

FYI, Alex began his career in the industry in 2013 as he was launched as part of Star Magic Circle Batch 2013.

Si Alex ay nag-come out as a member of LGBTQ community but after a while ay may pinakilala naman siyang non-showbiz girlfriend sa socmed.

“Being in the closet and outed is hell especially in a country like this na very conservative,” sabi niya.

Aminado rin si Alex na basag siya kapag lasing.

“Kapag hindi ako lasing, wala, torpe ako, but when I’m drunk, ‘pag basag ako, walang makakapigil sa akin. When I like somebody, I will definitely say it,” dagdag pa niya.

Ang Pathirsty ay isang VIvamax original movie at kasama rin ni Alex sa pelikula sina Adrianna So, Chad Kinis at Kych Minemoto, directed by Ivan Andrew Payawal. Streaming na ang nasabing movie sa Vivamax. JP Ignacio