Alex Diaz at Kych Minemoto, pinagdudahang mga beki!

Alex Diaz at Kych Minemoto, pinagdudahang mga beki!

June 3, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Yes, Sir! Hindi lang ang mga babaeng sexy at oozing with sex appeal ang bini-build up ng Vivamax tulad nila Angeli Khang, Janelle Tee, Aj Raval, at iba pa, kundi pati na rin mga newbie male soon-to-become big stars like Alex Diaz, Kych Minemoto na introducing sa pelikulang PaThirsty, na streaming na sa Vivamax.

Sa face to face preskon ng PaThirsty or in tegeylog “uhaw”, charrr, ay pinagdudahan ng ilang showbiz press kung magdyowa ba itong sina Alex Diaz at Kych Minemoto.

Grabe kasi kung magharutan ang dalawa at may pa-kiss-kiss pa sa isa’t-isa pero siguro, pini-playtime lang nila kami para pagdudahan nga naman sila na mga bading, na tipong in person ay hindi naman.

Kasi ang layo nila sa kanilang co-star na si Chad Kinis na talagang sa awra lang ay alam mo nang bading na bading at hindi naman nito ikinakaila.

Co-stars nina Alex, Kych at Chad Kinis si Adriana So na tipong igu-groom ng Vivamax as another sexy symbol.

Hubo’t hubad ang mga female at male lead stars sa kani-kanilang love making na mapapanood only at Vivamax.

‘Yon na! Mercy Lejarde