Alex Gonzaga, binatikos sa kaniyang ‘insensitive joke’

Alex Gonzaga, binatikos sa kaniyang ‘insensitive joke’

October 6, 2018 @ 4:26 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Binatikos ng isang netizen ang aktres na si Alex Gonzaga dahil sa pagbitiw nito ng mga ‘insensitive jokes’ tunkol sa pagpatay sa mga suspek na sangkot sa iligal na droga.

Sa Twitter post, ibinahagi ni Jericho Rayel Timbol ang bahagi ng video blog ni Alex kung saan makikita ang aktres na ginagawang katatawanan ang mga drug addict at sinisisi pa ang mga ito dahil sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

“This is a clip of the Cubao Expo vlog of Alex Gonzaga. This is so insensitive on so many levels especially now that the government is out there killing people tagged as drug users. Second, hindi siya funny. Hindi nakakatawang pagbintangan kang adik,” ayon sa post ni Timbol sa kaniyang  tweet ngayong Sabado.

Kasunod nito, nag-sorry si Alex sa mga netizen na naiinis sa kaniyang pagbibiro at pagiging ‘insensitive’. Binanggit din niya si Timbol sa kaniyang post na inilarawan niyang galit na galit.

“To some people who find my humor annoying and insentive, sorry. How I wish you may never see or click any of my videos again. Lalo na sayo @jerichorayel kasi sobra na galit mo at tinag mo pa ko. Pero sa mga natutuwa, tuloy tayo!!!” ayon sa Tweet ni Alex.

Matatandaan na umugong din ang pangalan ni Alex sa mga netizen noong May 21 dahil sa kaniyang joke tungkol sa mga OFW nang minsan siyang pumunta sa Japan./Remate News Team