Alex, imposibleng mabuntis, may “multong” nakabantay!

Alex, imposibleng mabuntis, may “multong” nakabantay!

January 4, 2023 @ 10:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Magkasalungat ang mga hula sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga ng tarot card reader na si Mamu Gloria Escoto.

Mapapansin kasing puro positibo ang sinasabi ng mga baraha patungkol kay Toni.

Halimbawa na lang ang inaasam nitong pagbubuntis ngayong year 2023.

Ayon sa nasabing manghuhula, lalaki ang ipagbubuntis ni Toni sa asawang si direk Paul Soriano.

Kabaligtaran naman ito sa kaso ni Alex who’s married to Lipa City councilor Mikee Morada.

Ani Mamu Gloria, malabo raw magbuntis si Alex, born January 16, 1988.

May matandang lalaki raw na posibleng multo ang nagbabantay kay Alex saan man ito magpunta.

Ang multong tinutukoy ng mamnghuhula ay taong ayaw nakikitang masaya si Alex.

Kung napapansin daw sa mga kilos ni Alex ay parang forcing through o pilit ang mga ngiti nito.

Deep within daw ay malungkot ito.

Ang sinasabing matandang lalaki rin daw ang dahilan kung bakit nakunan si Alex sa dapat sana’y panganay nila ni Mikee.

Hula pa ni Mamu Gloria, posibleng may taong malapit sa kanya ang makakaaway mismo ni Alex.

Ang away raw na ‘yon ay posibleng maging mitsa ng pagbaba ng popularidad ni Alex.

Pati pagba-vlog daw nito na malakas pagkakitaan ay posible rin daw maapektuhan.

Inuulit namin na anuman ang hula sa atin ay nagsisilbing gabay o babala, pero ang nasa Itaas pa rin ang nakakaalam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa atin. Ronnie Carrasco III