Alex, kinabog si Toni!

Alex, kinabog si Toni!

July 6, 2021 @ 7:54 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pinatunayan ni Toni Gonzaga na walang sibling rivalry na namamagitan sa kanila ng nakababatang kapatid na si Alex.

Katunayan, bukod sa suportado niya ang pagba-vlog nito, sobrang natuwa si Toni nang malamang cover girl si Alex ng prestihiyosong magazine na Harper’s Bazaar Vietnam.

Nag-coincide pa ito sa 10th anniversary ng nasabing publication.

Para kay Toni, isang achievement para sa isang Pinay ang mapasama sa cover ng nabanggit na Asian magazine.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Toni ang picture ng kapatid at inihayag kung gaano siya ka-proud.

Bumuhos naman ang pagbati para sa vlogger-actress na umaariba rin sa mundo ng paggawa ng video sa YouTube.

Para naman kay Alex, tila hindi pa rin siya makapaniwala.

“Please pinch me. This is not even in my checklist but grabe!!! Thank you Lord for using mama @carissacielomedved to make this possible! HARPER’S BAZAAR VIETNAM @bazaarvietnam 10th Year Anniversary EditionJuly 2021 Issue,” ani Alex.

Sa isang panayam, inamin naman ni Toni na malaki ang impluwensiya sa kanya ni Alex kaya pinasok na rin niya ang vlogging.

Aniya, matagal na raw siyang kinukumbinsi noon ng kapatid na sumabak sa vlogging.

Gayunpaman, hindi raw agad siya napapayag dahil noong una ay parang ‘di swak sa personalidad niya ang ginagawa ni Alex. Katunayan, naghintay daw siya ng tamang senyales bago nakapagdesisyon.

Matagal din bago siya nahikayat dahil pinag-isipan muna niya ang magiging konsepto ng kanyang vlog.

Preferred daw kasi niya na maiba ang content at format nito kumpara sa usual showbiz stories.

Nilinaw din niyang hindi pera ang habol niya sa YouTube kaya siya sumabak sa vlogging. Gusto kasi niya na sa bawat video na mapapanood ng kanyang mga subscribers ay may mapupulot na aral ang mga ito. Archie Liao