Alex, nagbitbit ng photog sa Milan!

Alex, nagbitbit ng photog sa Milan!

September 24, 2022 @ 9:25 AM 2 months ago


Milan, Italy – Ikalawang beses na ang pagdalo ni Alex Gonzaga sa Milan Fashion Week kamakailan lang.

Thanks sa invite ni Dra. Vicky Belo na ang larawan nilang magkasama ay ipinagmalaki pa niya sa Instagram.

Ani Alex, pansinin daw siya.

Hindi kasi naging kaaya-aya ang una niyang pagdalo doon.

Ikinaimbiyerna kasi ni Alex ang isang photographer sa mismong event.

Ang siste raw, kuntodo pose daw siya habang nililitratuhan ng photographer.

Nawindang na lang siya nang matuklasang ang babae palang nasa likod niya ang kinukunan nito.

Naroon din daw na emote na emote si Alex sa kapo-pose pero walang fotog na pumapansin sa kanya.

Sa halip ay kunwari na naglilinis daw ng mga lente ito.

Having learned her lesson, nitong second time niya sa nasabing fashion week sa Italy ay nagbitbit siya ng sariling litratista!

Pero kinakabahan daw siya na baka iba ang kunan nito sa halip na siya.

For sure naman, sagot ni Alex ang roundtrip ticket, hotel accommodations at iba pang gastos ng kinaray niyang personal photographer, ‘di ba? Ronnie Carrasco III