Alex, nagsori na sa waiter!

Alex, nagsori na sa waiter!

January 19, 2023 @ 7:20 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Case closed.

Ganito ang maaaring ituring sa kontrobersyang kinapapalooban ni Alex Gonzaga involving a waiter whose forehead ay pinahiran niya ng icing ng kanyang birthday cake nitong January 15.

Lumitaw kasi na kaibigan pala ng ina ni Alex na si Mommy Pinty ang waiter na nakilalang si Allan Crisostomo.

Nagtatrabaho si Allan sa Florabel Catering Services na madalas kunin ng pamilya ni Alex sa tuwing may okasyon.

Kinukuha rin ng pamilya Soriano na side ng mister ni Toni Gonzaga ang serbisyo ni Allan.

In short, hindi na iba si Allan sa dalawang pamilya.

Ayon sa handwritren note ni Allan na ipinadala sa ABS-CBN ay humingi na ng paumanhin sa kanya si Alex.

Nakasaad sa kanyang note na bandang 6:30 ng gabi nitong January 17 ay personal daw siyang sinadya ni Alex sa kanyang workplace.

Doon daw nag-sorry si Alex sa kanya, na sinundan ng kuwentuhan.

“Ma’am Alex” pa nga ang tawag ni Allan sa TV host-vlogger who he assured na okey na sa kanya ang nangyari.

Naganap ang pamamahid ng icing ng moist chocolate cake sa noo ni Allan sa bisperas ng kaarawan ni Alex na idinaos sa Joya Lofts and Towers sa Rockwell, Makati City.

Nag-viral ang video na ‘yon na ikinainis ng maraming netizens sa pagiging insensitive ni Alex at pagbibirong wala sa lugar.

Isa si Mo Twister na dating co-host ni Alex sa programang Juicy sa TV5 ang tumawag dito na “drunk, stupid and a narcissist.”

Itinanggi naman ng publicist ni Alex na lasing ito ng mga sandaling ‘yon.

Moral lesson: magbiro ka na sa lasing, huwag ka lang magpahid ng icing! Ronnie Carrasco III