Alex, nangaroling sa Senado!

Alex, nangaroling sa Senado!

December 1, 2022 @ 4:55 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nagsimula na nga ang longest Christmas celebration sa ating bansa.

And what better way to welcome the season than singing Christmas carols?

Hindi nga nagpahuli si Alex Gonzaga sa nakasanayan nang tradisyong ito.

Nitong November 28, Lunes ay pinili ng actress-vlogger na mangaroling sa Senado.

Hindi nga lang naikot ni Alex ang buong Senate building dahil sa ikalawang palapag lang ng gusali ang pinuntahan niya where the session hall is.

The offices of Senators Raffy Tulfo, Jinggoy Estrada and Bato de la Rosa are housed on the fifth floor.

Laking gulat nga raw ng mga senador at ng kanilang mga empleyado sa pagsulpot ni Alex.

Kesa nga naman magbahay-bahay siya, tuhog na nga naman ang isahang pangangaroling niya sa Senado.

Tiyak na ito ang lalamanin o content ng vlog ni Alex, which is a welcome change para sa kanyang mga subscribers at viewers.

Marahil, aware ang maybahay ni Mikee Morado na naba-bash si Alex sa kanyang mga vlogs kung saan pina-prank nito ang kanyang unknowing parents to the point na wala na itong paggalang.

Ayon kay Sen. Jinggoy, for a cause daw ang pangangaroling ni Alex sa Senado.

Ibig sabihin, anumang malilikom na pera mula doon ay ibabahagi ni Alex sa mga dapat pagkalooban.

Mabuti naman kung ganoon.

But let’s face it, ilang milya pa rin ang layo ni Alex sa kapwa vlogger na si Ivana Alawi.

Mas bukas kasi ang palad ni Ivana sa maraming kapuspalad nating mamamayan.

This cannot be said of Alex! Ronnie Carrasco III