Alex, rumesbak sa bashers ni Toni

Alex, rumesbak sa bashers ni Toni

August 7, 2018 @ 7:30 PM 4 years ago


Manila, Philippines – To the rescue si Alex Gonzaga sa kanyang ate na si Toni nang ulanan ng negatibong komento mula sa netizens.

Na-bash kasi ang kanyang ate Toni dahil umano sa pagiging ‘duling’ at ‘suplada’ nito.

Sa vlog (video blog) ni Alex sa kanyang Youtube channel, matapang nilang sinagot ni Toni ang mga nakasasakit na komento mula sa mga netizen.

Pero, kahit masakit ang dating ng komentong ‘cross-eyed’ o duling daw ang kanyang ate, pabiro naman ang naging sagot nito.

“Nagpunta kami sa ophthalmologist, pero sabi ng doctor, hindi talaga siya duling.Hindi siya cross-eyed, malapit lang talaga ang pupil sa mutaan.”

Pagdating naman sa pagiging suplada, dumipensa si Alex at sinabing, “Ang ate ko ang isa sa pinakamabuti ang puso. Ang ate ko ay introvert lamang.Nung bata kasi siya, lagi siyang nabu-bully.”

Dagdag pa ng batang Gonzaga, hindi kasi sila lumaki sa showbiz at hindi sila sanay na maging aware sa mga sasabihin ng tao kapag sila ay nasa labas. (Remate News Team)