Alex, supalpal sa prank kay Mariel!

Alex, supalpal sa prank kay Mariel!

July 19, 2022 @ 8:00 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi umubra ang ginawang prank ni Alex Gonzaga kay Mariel Rodriguez.

Plano kasi ni Alex na i-goodtime ang kanyang pamilya’t mga kaibigan.

Isa sa mga napagtripan niya ay ang misis ni Senator Robin Padilla.

Bago rito, pinakiusapan ni Mariel si Alex na kung maaari’y ibenta nito ang mga pre-loved items sa online selling ng una.

Sinamantala na ni Alex ang pagkakataong ‘yon para maisagawa ang kanyang drama.

Umoo siyang ibenta ang ni Mariel ang mga pre-loved items niya pero pautangin daw muna siya ng P500k dahil may bibilhin siyang bag.

Hindi ‘yon kinagat ni Mariel.

Sabi nito kay Alex, “Pina-prank mo lang ako. Alam ko marami kanga pera!”

Ang ending: nganga si Alex.

Gayunpaman, maraming netizens ang naaliw sa video na ‘yon.

Kilala si Alex na mahilig i-prank kahit ang Mommy Pinty at Ate Toni niya.

For the record, Alex is one of the highest paid celebrity vloggers. Ronnie Carrasco III