Alex, tinawag na epal ang ama!

Alex, tinawag na epal ang ama!

October 17, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines- Epal kung tawagin ni Alex Gonzaga ang ama.

Epal na kung epal pero maraming netizens ang naaliw nang sabayan ni Daddy Bonoy ang kanyang mga anak sa pagsasayaw.

Ito’y matapos interbyuhin ni Toni Gonzaga si Alex for her Toni Show Official.

Napagkayarian ng Gonzaga sisters na mag-TikTok.

They opted to dance to the tune of Jiggle Jiggle.
Nasa background naman ang kanilang ama na tumitiyempo lang pala.

Before they got started, itinaas muna ni Alex ang bandang dibdib niya dahil feeling niya’y lumalaylay ang kanyang bra.

Maya- maya pa’y umiindak na si Daddy Bonoy na nasa likuran nila.

At take note, kahit nangangapa ito sa steps ay tuloy lang siya sa pagsasayaw to the point na siya tuloy ang mas napansin.

Ikinatuwa naman ng netizens ang pag- indak ni Ginoong Bonoy.

At dahil nasapawan ng ama ang anak, wari’y hindi ‘yon matanggap ni Alex.

Comment nito: “Epal lang talaga ang tatay ko!”
Hindi na raw kataka-taka kung ganoon magsalita si Alex patungkol sa kanyang ama.

Kahit daw kasi si Mommy Pinti kung okrayin ni Alex ay ganoon na lang.

Kung kay Alex daw ay biro ang dating, para sa iba’y kawalan ‘yon ng respeto sa magulang.
Aware kaya si Alex? Ronnie Carrasco III