Alexa, aminadong si KD ang “greatest takeaway” sa PBB!

Alexa, aminadong si KD ang “greatest takeaway” sa PBB!

January 14, 2022 @ 12:58 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Matapos ang PBB Kumunity Season 10, ang pangalan ni Alexa Ilacad ay hindi tumigil sa pag-alingawngaw sa outside world.

Kung babalikan, hindi biro at hindi naging madali ang journey ni Ilacad sa loob ng PBB house.

Mula sa pagkaka-diagnose with Major Depressive Disorder hanggang sa controversial relationships niya sa kanyang former housemates.

Aminado ang aktres na pinanood niya ang ilang clips noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya.

“When I watched the things that were said about me, it kinda broke my heart din talaga,” saad nito.

Pero all in all, mukhang naging maganda ang journey nito dahil bukod sa #Aleians loveteam na binuo ng fans and supporters ng aktres, iba rin ang relationship na na-build niya with KD Estrada.

“He is my greatest takeaway from the whole PBB journey, ‘cause now I have a solid person in my life whom I can really count on. It’s so rare to find someone that you just connect with, someone who gets you, who assures you na ‘di siya mapapagod sa ‘yo ‘cause we both have a condition,” pagbabahagi ng aktres.

Marami naman ang kinilig dito, torn tuloy ang fans, is it gonna be #Aleains or #KDLex? Paula Jonabelle Ignacio