Alexa Ilacad, nagpa-sexy sa Net25, iniwasan ng camera!

Alexa Ilacad, nagpa-sexy sa Net25, iniwasan ng camera!

February 1, 2022 @ 4:01 PM 8 months ago


Quezon City, Philippines – Parang mas hot talaga sa madla si Alexa Ilacad pagkalabas n’ya ng Pinoy Big Brother, kung saan bale sina Alyzza Valdez at Anji Salvacion ang nagwagi.

Itinampok uli nu’ng January 26 sa Letters & Music ng Net 25 ang pagkanta ni Alexa ng single n’yang Stay Right Here na unang ipinalabas exclusively para sa nasabing show nu’ng May 2021 pa.

Exclusive performance din ‘yon ni Alexa para sa Letters & Music. Nag-Google kami at walang ibang show na nag-guest siya at ang sexy song na ‘yon ang kinanta n’ya.

Pero ipinalabas nga uli ‘yon dahil napakaganda at napaka-sexy ni Alexa sa performance n’ya ru’n kahit nakaupo lang siya. At ang galing din ng boses at istilo n’ya sa pagkanta.

Hindi music video style ang pagtatampok ng Letters & Music sa mga singer. Nakatayo o nakaupo lang ang singer. Madalas ay kita ang mikropono na gamit ng mang-aawit. Walang back-up dancers at back-up vocals. Walang special effects na kung anu-ano.

Wala ring live-band. Minus 1 (taped musical accompaniment) lang ang gamit ng singer. Bawal sumayaw ang kumakanta. Pwede siyang umindak pero ‘di pwedeng sumayaw nang husto.

Hindi pagsasayaw o husay manamit ang gustong ipakita ng show kundi ang pagkanta at ang boses ng singer. Raw singing, honest-to-goodness singing, ‘ika nga.

Bawal din ang sexy outfits sa mga babae. ‘Di pwedeng may cleavage silang itinatambad. Ang madalas na suot nga ng female singers sa show ay turtle neck outfit.

Pero nakalimutan yatang i-brief si Alexa ng management team n’ya na ‘di pwedeng low neckline ang isuot n’ya.

Sa nai-video na pagkanta ng single n’yang “Stay Right Here,” halatang-halata na iniiwasan ng nagbi-video na makunan n’ya ang cleavage ni Alexa. Happily, stunning ang beauty ni Alexa sa performance na yon.

Nine years na palang umeere ang Letters & Music.

Pop music show ang Letters & Music. May rap, hip-hop, folk rock, at jazz din. Du’n nga sa January 26 episode, may performance din si Maris Racal ng “Ate, Sandali.”

Alam n’yo bang limang beses na palang nakapag-perform sa Letters & Music ang SB19 na masasabi na ngayon na global idols na dahil number 1 sila sa isang kategorya ng Billboard hanggang ngayon.

‘Yung kay Alexa na Stay Right ay mapanood pa rin anytime. I-type n’yo lang sa search box: “Alexa Ilacad at Letters & Music.” Danny Vibas