Alexa, nagmaldita kay Tuesday?

Alexa, nagmaldita kay Tuesday?

December 10, 2022 @ 3:55 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Naging pulutan ng mga tsismosang kapitbahay ang emote noon ni Tuesday Vargas sa pagkakaroon ng attitude ng isang loveteam na nakasama niya sa isang event.

Inisnab daw kasi siya ng mga ito at dinedma pa kaya aminado naman siyang na-hurt.

Bagama’t walang binabanggit na pangalan, hinuha agad ng mga Marites na ang tinutukoy niya ay ang KDLex o KD Estrada at Alexa Ilacad dahil ang mga ito ang nakasama niya sa nabanggit na ganap.

May binitiwan pa siyang pangaral sa mga ito tungkol sa kanilang pakikitungo sa mga nakatatandang kasama sa trabaho.

As a consequence, kinuyog naman ng KDLex fans ang actress at TV host.

Sey naman ni Tuesday, humingi na raw ng paumanhin ang road manager nina Alexa at KD sa pangdededma sa kanya.

Pero hindi pa roon natatapos ang isyu dahil may buweltang parunggit si Alexa sa kanyang IG na pinaniniwalaang patungkol kay Tuesday na sakto sa timing ng kontrobersya.

Aniya: “Kung may problema ka sa akin, Grabe! Ang ganda naman ng problema mo, Char!”

Dahil dito, may kibitzers namang nag-react sa umano’y pagmamaldita ni Alexa.

Ito ang ilan sa kanilang reaksyon:

“So the rumor is true. May attitude si Ate.”

“Judging from her hugot, nanghahamon si teh.”

“Rumesbak kay Tuesday.”

“Bakit parang ‘off’ ang dating sa akin. Mahadera nga!”

“Sinong umaaway Kay Alexa?”

“In fairness, mabait naman siya sa fans.” Archie Liao