Alexa, pinagkamalang anak ni Janno!

Alexa, pinagkamalang anak ni Janno!

November 19, 2022 @ 7:45 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sa vlog ni Alexa Ilacad, sinagot niya ang most googled searches about her.

Ayon sa aktres, related daw siya sa mga Ilacad na mga kilalang pangalan sa Pinoy music industry.

Gayunpaman, proud daw niyang masasabi na hindi raw niya ginamit ang kanyang apelyido para magkaroon ng koneksyon sa showbiz.

Katunayan, kung ano man daw ang kanyang narating sa ngayon, iyon daw ay produkto ng sikap at tiyaga.

Marami rin daw siyang pinagdaanan para matupad ang kanyang pangarap na maging artista.

Isa raw siya noon sa mga nag-audition sa star search ng ABS-CBN.

Ang director daw na si Bobot Mortiz ang nakadiskubre sa kanya para maisama siya sa Goin’ Bulilit and the rest is history.

Dumating din siya sa awkward age na kailangang mawala siya sa eksena dahil sa kakulangan ng roles na babagay sa kanya.

Tungkol naman sa pagkakaroon ng nobyo, never pa raw siyang nagkaroon ng boyfriend.

Nagkaroon daw siya ng mga ex na ka-MU noon tulad ni Nash Aguas pero naunsyami raw iyon dahil hindi nauwi sa seryosong relasyon.

Sa relasyon naman nila ni KD bilang love team, pareho raw sila ng interes at wavelength ng singer-actor kaya sila nagkakasundo.

Mas type rin daw nila ang mag-stay sa bahay kapag wala silang taping o showbiz commitments.

Sa naturang vlog, sinabi rin niya na madalas na napagkakamalan siyang anak ng singer na si Janno Gibbs.

Katunayan, isa raw matandang tagahanga ang lumapit sa kanya noon na ipinakukumusta sa kanya ang kanyang inang si Bing Loyzaga.

Giit naman niya, hindi raw niya nanay si Bing pero mapilit daw iyong faney kaya wala na siyang nagawa para kontrahin pa ito.

May mga pagkakataon pa raw na napagkakamalan talaga siyang junior version ni Bing.

Kahit daw ang isa sa mga anak ng mag-asawa na si Chi ay naipagkakamaling kapatid niya.

Hirit pa niya, wala raw siyang reklamo kung ihanay siya bilang adopted daughter ng singer-songwriter. Archie Liao