Alfred, nag-throwback sa pagtaba, aminadong na-depressed!

Alfred, nag-throwback sa pagtaba, aminadong na-depressed!

November 3, 2022 @ 4:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Below 200lbs na lang ngayon si Quezon City 5th district Alfred Vargas.

He used to weigh as heavy as 253lbs.

Malaki man ang nabawas sa kanyang timbang, the QC alderman is far from being happy.

Ang ideal weight daw niya pag sinabing below 200lbs ay naglalaro sa pagitan ng 175 lbs at mababa sa timbang na niya ngayon.

Inamin ng aktor na depresyon ang nagtulak sa kanya para tumaba.

That came about 2010-2012, noong panahong hindi siya aktibo sa showbiz.

Instead Alfred has his attention focused on political work.

Gone were the days na nagpi-pictorial siya, naghuhubad sa beach at gumaganap bilang sireno o merman.

Things got worse daw when his dad passed away in 2011.

Sa sobrang depressed, he has nothing to turn to kundi pagkain, and he would eat a lot!

Hayun, 253 lbs ang bigat niya.

The realization dawned on him nang makita na raw niyang lumalaki ang mga anak niya.

At pag hindi raw siya umayos ay baka hindi niya abutan ang debut nito.

Intermittent eating na raw ang ginagawa niya.

Now he’s more than ready to take on showbiz work.

Alfred is cast in GMA’s afternoon prime series Unica Hija along with Kate Valdez and Katrina Halili.

By next year, he’s set to start taping for another GMA teleserye, ang AraBella. Ronnie Carrasco III