Alituntunin sa Comelec debate, ipinaliwanag

Alituntunin sa Comelec debate, ipinaliwanag

March 6, 2022 @ 11:15 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na ang unang presidential debates na itinakda ngayong buwan ay three-hour event.

“The 3-hour debates will follow a single-moderator format, with no live audience,” ani Comelec spokesperson James Jimenez

“Draw lots will determine to whom the first question will go. Succeeding questions, however, will be answered by the candidates in their alphabetical order,” dagdag nito

Ang unang debate ay gaganapin sa Marso 19 habang ang pangalawang debate ay itinakda sa April 3.

Itinakda naman sa Marso 20 ang vice-presidential debate.

Aantabayanan pa ang venue kung saan gaganapin ang debate.

“Each debate is anchored on a set of predetermined topics on pressing concerns of the country, such as pandemic and the economy, and the pool of questions will come from the concerned sector groups,” pahayag pa ni Jimenez.

Samantala, isasapinal ng Comelec at Vote Pilipinas ang kasunduan sa pagtatanghal ng Pilipinas Debates 2022.

Ayon kay Jimenez, ang signing ceremony ay gaganapin sa Marso 7 sa Sofitel Hotel, Pasay City.

“We are very excited to have the agreement signed so we can finally share the details and mechanics of this much-awaited Comelec-organized debates,” sabi ni Jimenez

“This is a high-stakes event that the voting public has been fervently looking forward to, so we expect all candidates to be on deck and ready to demonstrate why they deserve our vote,” aniya pa

Aniya, mayroong isang natatanging bahagi ng Pilipinas Debates 2022 na kung saan ay ang back-to-back town hall debates, na magkakaroon ng parehong remote at in-person audience, at isang post-debate roundtable.

Ang presidential at vice-presidential town hall debate ay gaganapin sa Abril 23 at 24, ayon sa pagkakabanggit. Parehong susundan ng isang double-moderator format.

“Vote Pilipinas, the Comelec’s partner for voter education and information, has previously demonstrated its capability to mount successful campaign drives during the voter registration period. We are confident of their readiness and capacity to help ensure the success of this elections’ debates series,” sinabi ni Jimenez.

Ang mga organizer, bukod sa lahat ng iba pang mga gawaing pang-logistik at administratibo, ay mahigpit na magtutulungan upang magsagawa ng mahigpit na proseso ng pagpili para sa mga moderator at gamitin ang lubos na pagiging kumpidensyal sa pagkuha ng mga tanong sa debate mula sa iba’t ibang grupo ng sektor. Jocelyn Tabangcura-Domenden