Alituntunin sa paggamit ng COVID-19 ‘home’ test kits, alamin!

Alituntunin sa paggamit ng COVID-19 ‘home’ test kits, alamin!

February 1, 2022 @ 10:44 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inilabas na ng Department of Health ang mga alituntunin sa paggamit ng COVID-19 test kits sa bahay.

Giit ng DOH na ang paggamit ng antigen tests ay para lamang sa mga nagpapakita ng mga sintomas sa loob ng pitong araw mula sa kanilang pagsisimula, kung hindi posible ang pagsusuri sa RT-PCR.

Hindi naman ito inirerekomenda para sa close contacts at sa walang sintomas.

Dagdag pa ng DOH, ang positive antigen test result ay dapat iulat agad sa barangay health officials at agad i-isolate at ipaalam sa mga close contacts upang sumailalim sa quarantine.

“A positive antigen test among symptomatic individuals and suspect or probable COVID-19 cases and their close contacts shall be interpreted and managed as a confirmed COVID-19 case,” nakasaad sa guidelines

Inaprubahan ng Food and Drug Administration ang paggamit ng Panbio COVID-19 antigen self-test kit ng Abbot at ang SARS-CoV-2 antigen rapid test ng Labnovation Technologies, Inc.

Ang parehong mga test kit ay nangangailangan ng koleksyon ng ispesimen sa pamamagitan ng nasal swabs.

Maglalabas pa rin ang gobyerno ng suggested retail price para sa mga test kits. Jocelyn Tabangcura-Domenden