Aljur at Kylie, hiwalay na!

Aljur at Kylie, hiwalay na!

July 8, 2021 @ 7:45 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Akala pa naman ng marami’y tuluyan nang nagkaayos ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Pero mismong ang ama na ni Kylie na si Robin Padilla ang nagkumpirma sa YouTube channel ni Ogie Diaz na hiwalay na ang anak sa mister nito.

Bilang kapwa lalaki, malakas daw ang gut feel ni Robin na may third party involved sa hiwalayan ng mga ito, bagay na nauunawaan daw ng action star pero ayaw niyang kunsintihin.

Basta ang lagi lang daw bilin ni Robin ay huwag na huwag sasaktan ang kanyang anak. Kilalang chick boy si Robin pero hindi marunong manakit nang pisikal sa mga nakarelasyon niya.

Tumanggi rin si Robin na mamagitan kina Kylie at Aljur dahil “nababaduyan” daw siya sa ganoon.

Pero naniniwala siya na kayang resolbahin nina Aljur at Kylie ang kanilang problema, basta huwag na lang idaan sa social media ang bangayan nila.

Matatandaang noong isang taon nang pumutok ang balitang tagilid ang pagsasama ng dalawa. Ronnie Carrasco III