Aljur at Kylie, nagkasundo sa co-parenting status!

Aljur at Kylie, nagkasundo sa co-parenting status!

July 9, 2021 @ 11:45 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Hindi na bago sa pandinig ang salitang “co-parenting” among showbiz couples involving their children.

‘Ika nga, magkahiwalay man o may mga iba na silang mahal ay nananatili pa rin ang kanilang pananagutan sa kanilang mga anak.

Kung pinagbawalang tanungin si Aljur Abrenica sa recent mediacon tungkol sa istado nila ngayon ni Kylie Padilla, nagpakawala naman ang huli ng kanyang masasabi ukol sa kanilang hiwalayan.

Ang ama nitong si Robin Padilla ang unang nagkumpirmang hiwalay na ang dalawa, at si Kylie ang nag-initiate nito.

Pero sa halip na dahilan ng kanilang paghihiwalay ang tinumbok ni Kylie ay mas na-focus siya napagkasunduan nilang co-parenting set-up sa kanilang mga anak.

Dalawa ang anak nina Aljur at Kylie: sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Ani Kylie, “We think that only the couples suffer from this ordeal not thinking about the kids and the people involved in it.” Pero sa ngayon daw, pagkatapos dumaan sa healing at recovery stages ay kapwa na sila nagmu-move on ni Aljur.

Suportado naman daw ng kanilang respective families ang kanilang desisyon. Respeto mula sa tao ang pakiusap ni Kylie sa kanilang pinagdadaanan hoping “that this will bring out the best in us.”

Wala namang binanggit si Kylie kung nasa plano ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal. February 2018 noong ikasal sila ni Aljur. Ronnie Carrasco III