Aljur, bet kaliskisan ang jowa ni Kylie!

Aljur, bet kaliskisan ang jowa ni Kylie!

March 5, 2023 @ 3:16 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Isang tattoo artist ang rumored boyfriend ni Kylie Padilla, this much her estranged husband Aljur Abrenica knows.

Ito ‘yung arrangement ng former couple na masasabing “It’s a tie!” o amanos lang.

Kumbaga, kung may AJ Raval si Aljur, meron ding ipinalit si Kylie sa dating karelasyon.

‘Yun nga lang, Aljur’s non-familiarity with Kylie’s newfound love is what worries him.

Kaya naman gusto raw ni Aljur na makaliskisan at kilatising mabuti ang lalaking ‘yon.

It’s not enough daw na alam ng aktor na isang tattoo artist ‘yon as Aljur wants to explore more.

Halimbawa’y ano raw ba ang ginagawa nito sa kanyang personal na buhay.

In short, Aljur wants to conduct a background check.

Ipinahiwatig niyang hindi raw patas ang laban dahil si AJ na nobya niya ay kilala.

Dahil nga raw alien sa kanya ang boyfriend ni Kylie kung kaya’t hangga’t maaari raw ay ayaw niya itong makasama.

Samantala, itinanggi ni Aljur na totally separated sila ni Kylie.

On matters involving their kids ay nagkakausap sila.

He seeks advice from Kylie on matters na wala siyang sapat na kaalaman, and vice versa.

Maaasahan daw si Aljur pagdating sa bonding with the kids in outdoor activities while Kylie excels in the emotional part of their co- parenting setup.

One may ask: kung malapit si AJ sa mga anak ni Aljur ay ganoon din kaya ang boyfriend ni Kylie sa mga bata? Ronnie Carrasco III