Aljur, may pakiusap sa mga Marites!

Aljur, may pakiusap sa mga Marites!

March 2, 2023 @ 3:32 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Dinumog si Aljur Abrenuca ng entertainment media sa kanyang pagdalo sa grand launching ng Gutierez Celebrities and Media Productions. Ito ay isang new player sa entertainment industry na nagpo-produce ng film and TV content.

Marami kasing kinasasangkutang maiinit na isyu si Aljur kabilang na rito ang recently announced na relasyon nila ni AJ Raval, ang hiwalayan nila ng estranged wife na si Kylie Padilla, ang pagsuporta ng kanyang dating asawa sa kanyang bagong relasyon at iba pa.

Ngunit ayaw na ngang pahabaion pa ni Aljur ang sandamakmak na isyu sa kanya dahil ayon na rin sa kanya ay naka-move on na silang lahat. Pakiusap pa niya na sana ay tigilan na ang pamba-bash sa kanila ni AJ.

Sabi pa niya patungkol sa kanila ni Kylie, “Lahat naman naka-move on na. Constant communication naman, hindi nawala ‘yun para sa mga bata.

“Choices naman. Every day we choose what’s the right path for us. We’re doing our best. I know I am doing my best para sa mga bata.

“It’s been what? Parang two years na ang issue na ito. Just to let you know, guys, we are all doing our best para sa ikabubuti ng bawat isa, para sa pamilya,” sabi pa niya sa nabanggit na launching na ginanap sa SM North Skydome.

Sinabi rin niya na hindi niya pinababayaan ang dalawang anak kay Kylie.

“I’m responsible. Yung responsibilities ko sa kanila is on me. Sa mga nangyayari ngayon, sa mga tao, spare it na, tama na.

“It’s not helping us anymore. Not just us, even kayo, di na rin nakakatulong sa inyo yan.”

Diin pa ni Aljur, “Totoo nga, di na nakakatulong. May natutunan na kayo, may natutunan na kayo sa nangyari. May nagkaaminan na ng pagkakasala, lahat.

“I have to protect my familly, I have to protect my kids. The damage has been done, ayoko nang madagdagan.”

‘Yan ang todo-todong pakiusap ni Aljur s amga nagma-Marites sa kanyang buhay.

Anyway, ang Gutierez Celebrities and Media Productions company is now partnered with ALLTV nerwork to air their series called “The Lifesavers” in June. Marami pang pasabog ang nasabing kumpanya at marami silang mga nakalinyang projects upang tumulong na buhayin ang industriya na nilugmok ng nakaraang pandemya. Malalaki ang mga naka-line up na pelkula at malalaking pangalan din sa industriya ang kasama, pati na rin ang aktor na si Klinton Start.

Abangan natin! JP Ignacio