Aljur, may reaksyon kay Kylie!

Aljur, may reaksyon kay Kylie!

March 1, 2023 @ 4:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – May ginawang horror film si Aljur Abrenica titled Jeongbu mula dreksyon ni Topel Lee. Ito ang first time na gumawa siya ng isang horror film.

Ayon kay Aljur, nang makatsikahan namin siya sa grand launch ng Gutierez Celebrities and Media Productions ni Madam MJ Gutierez, ang founder at CEO, natutuwa siya na naidirek siya ni Topel Lee. Isa kasi ito sa mga hinahangaan niyang direktor since napanood niya ang mga pelikulang horror na ginawa nito.

Sa tanong kung kumusta katrabaho si Direk Topel, ang sagot ni Aljur, “Sobrang cool na direktor. Mahusay! Magaan kasama.”

Sa tanong namin kung magkakaroon ng premier night ang nasabing pelikula, sino ang isang tao na gusto niyang isama?

“Usually, ‘pag premier night ako lang mag-isa, eh. Gusto mo bang sumama?” natatawang sagot ni Aljur.

Sa naging sagot ni Aljur, halatang iniiwasan niyang mabanggit ang pangalan ng girlfriend niyang si AJ Raval. Ang pangalan kasi ng sexy actress ang hinihintay na sagot namin mula kay Aljur since umamin na siya na sila na ni AJ.

Pero nang kunin ang reaksyon niya sa sinabi ng dating asawang si Kylie Padilla na masaya ito sa relasyon nila ni AJ, dito na nagbigay ng pahayag si Aljur.

Sabi niya, “Alam ko naman ‘yun, eh. Nag-uusap naman kami, eh.”

Dagdag niya, “No choice, eh. Ang choice namin is maging maayos talaga kami para sa mga bata. Mag-uusap at mag-uusap kami talaga para sa mga bata.”

Sina Aljur at Kylie ay may dalawang anak na lalaki, sina Alas at Axl. Rommel Placente