Aljur, na-bash sa bday greeting kay AJ!

Aljur, na-bash sa bday greeting kay AJ!

September 5, 2022 @ 4:40 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Walang nagkagusto sa ginawang pagbati ni Aljur Abrenica ng happy birthday sa rumored girlfriend niyang si AJ Raval.

Kaarawan kasi ng sexy star nitong September 3.

Post ni Aljur, “I risk a lot of shots in life and you are my greatest catch.”

Obyus na ang simpatya ng mga netizens ay sa estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla.

Ni-risk daw kasi ng aktor ang kanyang pamilya dahil sa sinasabi niyang greatest catch.

Dalawa ang anak nina Aljur at Kylie who the latter is raising singlehandedly.

May netizen pang nagsabi na tumahimik na lang si Aljur dahil laos na ito.

Hayan din daw tuloy, hindi raw kayang ipagsigawan ni Aljur ang relasyon nila ni AJ kaya idinaan na lang sa social media.

Pero hindi ba’t sa social media rin idinaan ni Aljur noon ang problema nila ni Kylie?

At may pa-emote-emote pa siyang nalalaman?

Hindi pa talaga nakakalimutan ng mga netizen that in fact, it was Kylie who risked a lot thinking that Aljur was her greatest catch.

Napilitang magbitiw noon si Kylie sa fantaserye ng GMA na Encantadia noong magbuntis sa panganay nila ni Aljur.

Ergo, isa nga namang malaking sampal kay Kylie ang birthday post ni Aljur kay AJ! Ronnie Carrasco III