Aljur, nasaktan sa tanong ng anak!

Aljur, nasaktan sa tanong ng anak!

November 21, 2022 @ 8:13 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi nangiming aminin ni Aljur Abrenica sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo na may tinanong daw sa kanya ang anak niya na ikinasakit ng damdamin niya.

Dalawa ang anak ni Aljur kay Kylie Padilla.

Matatandaang si Robin Padilla na biyenan ni Aljur at ama ni Kylie ang nagsiwalat na hiwalay na ang aktor noong July.

Pag-amin ni Aljur, nasaktan daw siya nang tanungin ng panganay na anak na, “Papa, hindi mo love si Mama?”

Wala namang ibinigay na dahilan o sagot si Aljur sa tanong ng anak.

Samantala, mukhang nauna pang nakapag-move on si Kylie buhat nang maghiwalay sila.

As for Aljur, pahapyaw niyang binanggit sa interview na binasted siya ni AJ Raval.

Si AJ ang tinuturong third party sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

Pero sa tono ni Aljur, mukhang hindi siya nakapasa kay AJ.

AJ has repeatedly denied being Aljur’s newfound love.

Masama ang loob ni Aljur implying na pinaasa lang daw siya ni AJ when he had already invested his emotions.

Law of karma? Ronnie Carrasco III