Aljur, posibleng makipagbalikan kay Kylie!

Aljur, posibleng makipagbalikan kay Kylie!

November 21, 2022 @ 5:00 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Halos araw-araw pala ang komunikasyon ni Aljur Abrenica sa dating asawang si Kylie Padilla.

But it’s not about them ang kanilang topic kundi ang kanilang dalawang anak.

Ito ang ibinunyag ni Aljur sa panayam sa kanya ni Aster Amoyo.

Aljur sires Alas Joaquin, 5 and Axl Romeo, 3.

Co-parenting ang pinaiiral nila kung saan ang dalawang tsikiting are with Kylie on weekdays at kay Aljur naman on weekends.

Despite what happened to their marriage ay nananatili silang magkaibigan ni Kylie.

It will be recalled that it was Kylie’s father Robin Padilla who revealed in 2021 na hiwalay na ang celebrity couple.

Asked by Aster kung may posibilidad bang magkakabalikan sila ni Kylie, ani Aljur ay hindi niya isinasara ang pintuan the same way na hindi nga raw niya akalaing they’d end up together, nagkaanak hanggang maghiwalay.

Pero hindi raw niya alam ang mangyayari.

Nakiusap na lang si Aljur na bigyan sila ni Kylie ng privacy dahil hindi naman daw alam ng publiko what exactly went wrong with their marriage.

Sa ngayon daw, pareho sila ni Kylie na natututo mula sa concept of parenting.

Aljur also acknowledges the fact na may mga taong nasaktan sa paghihiwalay nila noon ni Kylie, “Siyempre, we had been together for a decade. Marami na kaming pinagsamahan.” Ronnie Carrasco III