Alkalde sa NegOcc nag-resign; VM na 3-termer mayor, balik-posisyon

Alkalde sa NegOcc nag-resign; VM na 3-termer mayor, balik-posisyon

July 21, 2022 @ 10:31 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tatlong linggo matapos na mahalal bilang alkalde ng Pulupandan, Negros Occidental ay nagbitiw sa pwesto si Mayor Lorenzo Eduardo Suatengco dahil sa kondisyong pangkalusugan.

Noong Miyerkules, isinumite ni Suatengco ang kanyang resignation letter kay Gobernador Eugenio Jose Lacson, na agad na tinanggap ang kanyang intensyon.

“After much consideration, I have decided to vacate my position as the newly-elected municipal mayor of Pulupandan due to unforeseen health reasons which will affect my capacity to carry out the responsibilities as the local chief executive,” aniya sa liham kay Lacson.

Sa pamamagitan ng rule of succession, ang pinsan ni Suatengco na si Vice Mayor Miguel Antonio Peña, ang pumalit sa kanyang posisyon habang ang isa pang kamag-anak, No. 1 Councilor Anthony Gerard Suatengco, ang naging bise alkalde.

Parehong nanumpa sina Peña at Suatengco sa harap ni Lacson sa Governor’s Office ng Provincial Capitol dito noong Miyerkules.

Ang pag-unlad ay minarkahan ang pagbabalik ni Peña bilang alkalde matapos magsilbi ng tatlong termino hanggang 2022 at tumakbo sa pagka-bise alkalde nang walang kalaban-laban noong Mayo 9 na halalan. RNT