Alkalde sa Quezon nag-alok ng triple pay sa empleyadong single

Alkalde sa Quezon nag-alok ng triple pay sa empleyadong single

February 8, 2023 @ 7:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nag-alok ng hanggang tatlong beses ng karaniwang sahod ang alkalde ng General Luna, Quezon para sa mga empleyadong single na papasok sa Pebrero 14.

Ayon kay Mayor Matt Florindo ng nasabing bayan kasabay ng flag ceremony nitong Lunes, Pebrero 6, sinabi niya na makatatanggap ng “triple pay” sa Pebrero 14 ang mga empleyado ng city hall na papasok, kasabay ng pagiging single sa mahigit limang taon na.

Ang iba namang mga single na empleyado ay maaaring makatanggap ng “double pay” na sahod.

Ani Florindo, ang mga single naman na magli-leave sa Lunes, Pebrero 13 ay magkakaroon pa rin ng “leave with pay.”

Ang mga kwalipikadong empleyado ay maaaring magpasa ng aplikasyon sa Mayor’s Office, kung saan isang special committee ang magsusuri sa relationship status ng mga empleyado.

Personal na sasaluhin ng alkalde ang halagang gagamitin para doblehin o gawing triplehin ang sahod ng empleyado. RNT/JGC