All-women plenary session isinagawa sa Kamara

All-women plenary session isinagawa sa Kamara

March 13, 2023 @ 7:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Gaya ng naging tradisyon tuwing selebrasyon ng Women’s Month, nagdaos ng all-women plenary session ang House of Representatives nitong Lunes, Marso 13.

Si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ang siyang tumayo sa rostrum at nanguna sa Plenary session bilang House Speaker.

“It is an honor to be present today with fellow women who work tirelessly to make the Philippines a better place for our countrymen. Today, in line with our celebration of all womanhood this National Women’s Month, I welcome you all in this year’s all-women Session here in Congress. May this simple gesture of handing over power to the women be the platform for positive change as we continue to lead our nation to a kinder and gentler world for the next generation of women,” pahayag ni Romualdez sa kanyang opening remarks.

Ani Romualdez ang mga kababaihan ay tinuturing na trailblazers at powerful figures sa ibat ibang larangan at hindi na maitatanggi ang malaking kontribusyon nito sa lipunan.

Sa naging sesyon ay itinalaga ni Romualdez sina Reps Linabelle Ruth Villarica, Florida Robes, Rosanna Vergara, Lorna Silverio, Anna York Bondoc, Ma. Lucille Nava, M.D., Ruth Mariano-Hernandez, Midy Cua, Ysabel Maria Zamora at Margarita Nograles bilang presiding officers habang si Bataan Rep. Geraldine Roman ang syang nagbigay ng kanyang privilege speech.

Sa kanyang talumpati, muling inulit ni Roman ang pagkakaroon ng gender equality sa anumang bahagi ng bansa.

Si Roman ang kauna-unahang transgender woman na nahalal sa Kongreso. Gail Mendoza