Allacapan mayor nanawagan kay PBBM, pagbaha solusyunan

Allacapan mayor nanawagan kay PBBM, pagbaha solusyunan

October 17, 2022 @ 2:30 PM 1 month ago


ALLACAPAN- Umapela ang alkalde ng Allacapan, Cagayan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para wakasan ang matinding baha sa nasabing bayan sa tuwing panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Allacapan Mayor Harry Florida, taun-taon na lamang nilang nararanasan ang matinding baha sa bayan at hindi man lamang nabibigyan ng matagalang solusyon.

Sinabi ni Florida sa isa sa kanyang nakikita na sagot sa matinding pagbaha ay ang Linao River na nagdudugtong sa Cagayan River.

Simula nitong Linggo, Oktubre 16 ay lubog sa baha ang bayan lalo na ang mga sakahan at mga nasirang imprastraktura.

Samantala, sinabi ni Florida na bumalik na ang suplay na kuryente habang mayroon pang 56 katao na nanatili sa evacuation centers. Mary Anne Sapico