Allan K, inokray sa pagpapapayat!

Allan K, inokray sa pagpapapayat!

July 30, 2022 @ 10:12 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Umani na ng 58k views ang video na ipinost ni Allan K sa Instagram kung saan nag-e-exercise siya.

Sakay siya ng air walker, pero marahan niya itong ino-operate.

Sa caption, sure daw ang host ng Eat Bulaga na papayat siya.

Siyempre, naging imbitasyon ‘yon para may magkomento.

Isa na roon ang co-host ni Allan K sa EB na si Pauleen Luna.

Anito, sa halip daw na mag-exercise ay puro arte lang naman daw ang ginagawa ni Allan.

May mga sumeryoso naman sa kanya, telling him na bilisan daw ang pag- e-airwalk.

Dalas-dalasan din daw ni Allan K ito to achieve his desired look.

Hindi lang si Pauleen ang buraot sa comnent nito.

Post ni Paolo, “Nagpapapayat, eh, nagpapa- cute lang naman sa mga basketball players!”

In fairness, nakasanayan na ng mga EB viewers ang ganoong biruan nina Paolo at Allan K. Ronnie Carrasco III