Allan K, na-bash, pinaratangang walang respeto kay Alden!

Allan K, na-bash, pinaratangang walang respeto kay Alden!

January 30, 2023 @ 9:22 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ang TV host-comedian na si Allan K ang pinagdidiskitahan ngayon ng mga loyal AlDub fans.

Ang AlDub ay portmanteau o pinagsamang pangalan nina Alden Richards at Yaya Dub o higit na kilala bilang si Maine Mendoza.

Dismayado kasi ang mga tagahanga ng AlDub nang ianunsyo ni Allan K sa Eat Bulaga na ikakasal na si Maine sa nobyo nitong si Quezon City first district Congressman Arjo Atayde.

Lalo pang umusok ang ilong ng mga AlDub fans nang imbitahan ni Allan K sina Maine at Arjo na mag-cut ng ribbon sa pagbubukas ng bago nitong comedy bar.

Pinaratangang ArMaine daw si Allan K.

Worse, wala raw siyang respeto kay Alden gayong alam naman daw nitong asawa ng aktor si Maine.

Talagang hindi pa rin tumitigil ang mga AlDub fans sa kanilang ilusyon na totoong mag-asawa ang kanilang mga idolo at may anak pa.

As a consequence, bina-bash tuloy si Allan K na dedma lang naman sa mga ito.

Earlier kasi ay ikinatuwa ng mga AlDub fans ang tinuran ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez sa panayam ni Korina Sanchez na walang magaganap na kasalan sa kanyang mga anak this year.

Which means, walang wedding bells sa mga magnobyong Arjo-Maine at Ria Atayde-Zanjoe Marudo.

Pagkatapos ay bigla na lang nilang maririnig ang announcement ni Allan K?

Hayun, gumuho tuloy ang pangarap ng mga AlDub fans!

Samantala, kapwa wagi ang mag-inang Sylvia at Arjo sa recently concluded Star Awards for TV: si Sylvia as best supporting actress para sa Huwag Kang Mangamba at Arjo sa kategoryang Best Single Performance by an Actor para sa Doctor Hero episode ng Maalaala Mo Kaya, both on ABS-CBN. Ronnie Carrasco III