Alok kay Duterte na tumakbo sa VP post, isang escape plan-Rep Gaite

Alok kay Duterte na tumakbo sa VP post, isang escape plan-Rep Gaite

June 1, 2021 @ 11:11 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Para kay Bayan Muna Rep Ferdinand Gaite isang “escape plan” ang alok ng PDP-Laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa Vice Presidential post sa 2022 election at pumili din ng kanyang Presidential tandem.

”It’s definitely a way for Duterte to elude accountability for all his misdeeds, for all his crimes against the Filipino people. It’s an escape plan,”pahayag ni Gaite.

Ani Gaite alam ni Pangulong Duterte ma pagbaba nito sa pwesto ay hahabulin sya ng taumbayan sa usapin ng  extrajudicial killings, pag atake press freedom, pag atake sa mga kritiko ng gobyerno at palpak na pagtugon sa pandemic kaya naman ngayon pa lamang ay nag iisip na mg escape plan.

” Talagang magkakapit-tuko iyan sa pwesto para protektahan ang kanyang sarili,” ani Gaite.

Samantala kinondena ni Gaite ang bilyon bilyong pondo ng National Task Froce to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na hindi pa natatapos ang taon ay P19B pondo na ang naipapalabas.

Aniyw,malinaw na ang pondo ng NTF-ELCAC ay para tustusan ang  2022 campaign ng administrasyon.

“Talagang pinatunayan nito ang hinala ng maraming mambabatas noon pang budget hearings na gagamitin itong bilyon-bilyong pondo ng NTF-ELCAC para sa makinarya ng Administrasyong Duterte sa darating na halalan”pagtatapos pa ni Gaite. Gail Mendoza