Alok na ‘quickie’ sa aplikante para makapasok sa PCG, buking!

Alok na ‘quickie’ sa aplikante para makapasok sa PCG, buking!

October 9, 2018 @ 5:18 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Para lamang makapasok bilang tauhan ng Philippine Coastguard, nakipagkasundo umano ang isang 26 anyos na graduate ng Philippine College of Criminology (PCCR) na magquikie sila sa hotel, pero nagbago ang isip ng huli nang ipadampot niya ito sa mga tauhan ng Manila Police District, kahapon  ng hapon sa Ermita, Manila.

Kasalukuyang humihimas sa rehas na bakal ang suspek na nakilalang si Mohammad Alano, 30 anyos, binate, draftee ng PCG, tubong Lamitan City Basilan, at stay in sa PCG headquarters sa Port Area, Manila.

Desidido naman na magsampa ng reklamo ang biktimang itinago sa pangalang “May” ng Quezon City, na umano’y aplikante ng PCG.

Batay sa ulat ng MPD-Women and Children’s Protection Unit, bandang umaga nang magtungo ang dalaga sa MPD-Headquarters, upang idulog ang kanyang sasapitin sa kamay ng suspek.

Salaysay ng dalaga, nag-aplay umano siya sa PCG, may isang taon na ang nakakaraan, at nitong Oktubre 4 ay nakatanggap umano siya ng tawag mula kay Alano, na kung gusto nitong maging tauhan ng PCG ay makipagkita umano ito sa kanya kapalit ng “sex”.

Lunes ng gabi, nag-sex phone pa sa kanya ang suspek, at pilit umano siyang niyayayang maghotel, sinabihan umano siya ng dalaga na bukas na lang at siya ang magbabayad pag sila’y nag-check in.

Kinabukasan napag-isipan ng biktima na idulog ito sa tanggapan ng pulisya, kaya bandang 1:30 ng hapon nagtungo na sa isang hotel sa Pedro Gil St., sa Ermita na kung saan naabutan ang suspek.

Napag-alaman pa sa pulisya na natapos na umano sa ibang pagsusulit ang dalaga, at napangakuan umano siya ni Alano na mapapasama ito sa panunumpa sa 3rd week ng November. (Rene Crisostomo)