Alok na role kay Liza sa Spiderman, pinagdududahan; Careless management, naguluhan!

Alok na role kay Liza sa Spiderman, pinagdududahan; Careless management, naguluhan!

March 9, 2023 @ 2:45 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Tinawag na nakakalito ang statement ng Careless, ang management agency na pag-aari ni James Reid na nangangalaga ngayon ng career ni Liza Soberano.

Sa nakaraang summit kasi ay isiniwalat ng chief executive officer o CEO nito na si Jefrey Oh na inialok si Liza para gumanap bilang Mary Jane Watson sa Marvel movie na Spiderman: Homecoming.

Tinanggihan nga lang daw ni Liza ang nasabing offer dahil ayaw siyang pahintulutan ng ABS-CBN na gawin ito.

Katwiran daw ng home network ni Liza, wala naman daw bago sa gagawin ng aktres.

Pero ayon kay Oh, had Liza’s home studio granted her the permission to grab the offer, ‘di sana’y malaking tulong daw ito sa entertainment industry sa bansa.

Imagine nga naman na napasakamay ng isang Filipina artist ang magandang oportunidad na ‘yon na hinayaang humulagpos ng ABS-CBN.

Duda naman ang mga netizens sa kuwento ng panghihinayang ni Oh.

Kung matatandaan daw kasi, isang netizen lang ang nakaisip imungkahi si Liza para sa nasabing Mary Jane role.

At in-acknowledge lang naman ‘yon ni Liza sabay pasasalamat that the netizen had her in mind.

But as far as the offer daw was concerned, walang pormal na imbitasyong natanggap si Liza na mag-audition.

Kinundena tuloy ng mga netizen ang magulo at nakakalitong statement ni Oh.
In the first place, sa mismong bibig na rin ni Liza nanggaling that there was no such offer but it was a mere suggestion coming from a fan.

Granting na meron ngang alok kay Liza, bakit kasama sa eksena ang Careless gayong kailan lang naman dumating ito sa buhay ng aktres?

Para raw kasing pinalalabas ng Careless na maraming oportunidad ang dapat panghinayangan ni Liza noong nasa ABS-CBN pa ito.

Besides, sa mga hanash ni Liza lately ay never niyang binanggit ang tungkol sa Spiderman movie and the role her home studio rejected for her.

Tama na raw ang pagbubuhay ng nakaraan lalo’t hindi na raw ito maibabalik sa walang patumanggang hanash ni Liza. Ronnie Carrascio III