Alternatibong juice mula sa indigenous crops suportado ng DOST

Alternatibong juice mula sa indigenous crops suportado ng DOST

January 29, 2022 @ 10:20 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Suportado ng Department of Science and Technology (DOST) ang development ng ready-to-drink (RTD) juice galing sa indigenous crops na yacon, green carabao mango, at mint essence.

Sinabi ng DOST na ang naturang inisyatibo ay collaborative ‘research and development’ (R&D) project sa pakikipagtulungan sa Lyceum of the Philippines (LPU) at Vinoca Manufacturing sa ilalim ng Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy (CRADLE) program ng DOST.

“The project aims to look at underutilized Filipino fruits and develop alternative juice drinks made from indigenous crops such as yacon (smallanthus sonchifolius), green carabao mango (mangifera indica), and mint essence,” lahad ng DOST.

Samantala, iginiit ng DOST na makatutulong ito sa local beverage industry sa “exploring the transformation of domestic fruits into shelf-stable RTD juice” na mapakikinabangan ng local at international markets.RNT/FGDC