Alternatibong ruta para sa maaapektuhan ng road reblocking sa NCR, alamin

Alternatibong ruta para sa maaapektuhan ng road reblocking sa NCR, alamin

January 28, 2023 @ 11:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ang mga motorista na maaapektuhan ng road reblocking operations sa tatlong iba’t ibang kalsada sa National Capital Region na dumaan sa alternatibogn ruta, bilang paghahanda sa mabigat na daloy ng trapiko.

Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa social media posts nitong Biyernes ng gabi na kukumpunihin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatlong partikular na segments mula alas-10 ng gabi ng Biyernes hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes.

  • C-5 service roads in Pasig City – along Pasig Boulevard, Barangay Bagong Ilog near Rizal Medical Center; and along Julia Vargas Avenue corner Lanuza Avenue, Barangay Ugong near Valle Verde 5

  • Cloverleaf (Chainage 000-Chainage 234) going to North Luzon Expressway (NLEx)

  • Edsa southbound (Balingasa Creek to Oliveros Footbridge) in Quezon City

“The DPWH will undertake reblocking and repairs, on the following roads starting 11pm tonight, January 27 until 5am of January 30. Motorists are advised to take alternate routes,” anang MMDA.

Iminungkahi ng MMDA na ang southbound motorists na maaapketuhan ng roadworks sa Pasig City ay pwedeng mag- left turn sa Lakewood Drive diretso sa E. Mejia Street, bago bumalik sa C-5. Samantala, ang northbound vehicles naman ay pwedeng dumaan sa U-turn slot sa ilalim ng Bagong Ilog Flyover.

Para naman sa mga kailangang dumaan sa NLEx northbound side mula Quezon Avenue, pwedeng dumaan sa Sgt. Rivera Street sa Quezon City bago mag-right turn sa A. Bonifacio Avenue, patungong Balintawak Toll Plaza.

Para naman sa mga manggagaling sa Caloocan City, maaaring dumaan sa A. Bonifacio Avenue sa 5th Avenue, sa Rizal Avenue.  Pwede ring dumaan ang mga motorista sa NLEx’ Harbor Link northbound exits sa C-3 road, patungong Smart Connect interchange sa Valenzuela City. RNT/SA