Alternatibong sakayan sa sapul ng PNR tigil-ops inaayos na

Alternatibong sakayan sa sapul ng PNR tigil-ops inaayos na

February 17, 2023 @ 4:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Railways sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa tigil-operasyon ng railways.

Sinabi ni PNR general manager Jeremy Regino na pag-uusapan nila ng LTFRB ang mga magiging alternatibong sakayan ng mga apektadong pasahero.

Ayon kay Regino, posibleng magbukas ng mga bagong special bus lanes at jeepney routes ang LTFRB para sa mga pasahero na sumasakay ng PNR.

Nakatakda ring makipagpulong ang PNR sa local governtment units para sa kaparehong kadahilanan.

Aniya, ilang buwan bago tuluyang itigil ang operasyon ng PNR ay maglalabas sila ng abiso.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si Regino sa mga mananakay dahil sa pagsasara ng PNR

Una nang sinabi ni DOTR Usec Cesar Chavez na ang pagsasara ng PNR ay para mapabilis ang pagsasagawa ng North South commuter railways. Jocelyn Tabangcura-Domenden