Alvarez kay Lacson: Wala akong hininging P800M campaign fund

Alvarez kay Lacson: Wala akong hininging P800M campaign fund

March 25, 2022 @ 3:52 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Itinangggi ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez nitong Biyernes ang pahayag ni Senator Panfilo Lacson na humingi umano ito ng  800 milyon bilang pondo sa kamyanya ng mga kandidato ng Partido Reporma sa kanyang probinsya.

“That’s not true. I never asked funding requirements from him for our local candidates,” sagot ni  Alvarez.

“We can very well fund our own candidates,” giit pa niya.

Base sa pahayag ni Lacson, ang pagkabigo niya na maibigay ang naturang halaga ang rason kung bakit inilipat ni Alvarez ang suporta kay Vice President Leni Robredo.

Parehong tumatakbo sina Lacson at Robredo sa pagka-presidente.

Paliwanag ni Alvarez, maaaring ang tinutukoy ni Lacson ay ang funding requirements para sa poll watchers ng Partido Reporma sa darating na halalan.

“Malaki talaga ‘yun. Dahil if you will compute the number of precincts all over the country, multiplied by two watchers per precinct in 24-hour shift x 1k/ watcher meal allowance,” aniya. RNT/SA