Alyssa nag-eensayo na kasama ang Creamline

Alyssa nag-eensayo na kasama ang Creamline

September 9, 2022 @ 3:39 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Namataan si Alyssa Valdez na nagsasanay kasama ang pambansang koponan ng Pilipinas bago ang Asean Grand Prix sa Thailand na gaganapin ngayon araw ng Biyernes.

Kasasa ang Cool Smashers captain ng Creamline-Philippines team sa paglipad nito patungong Thailand noong Miyerkules ngunit hindi kasama sa 14-woman lineup na inilabas ng Philippine National Volleyball Federation.

Gayunpaman, ang mga larawang inilabas ng SMM Volleyball sa Facebook noong Huwebes ay nagpakita ng pagsasanay ni Valdez kasama ang Cool Smashers isang araw bago magsimula ang tatlong araw na torneo.

Muling nagkita sina Valdez at ang Cool Smashers sa kanilang dating head coach na si Tai Bundit na nakita rin sa training session.

Nagbitiw si Bundit sa kanyang puwesto noong 2021 at bumalik sa kanyang bayan sa Thailand nang tuluyan.

Si Valdez, na nagka-dengue ilang araw bago ang Asian Volleyball Confederation Cup for Women opener, ay kagagaling lang mula sa viral disease.

Ang middle blocker na si Risa Sato, na hindi rin sumabak sa AVC Cup for Women dahil sa mga isyu sa kalusugan, ay bumalik upang punan ang butas na iniwan ni Valdez.

Makakalaban ng Team Philippines – sa pangunguna ng mga MVP at team captain na sina Jia Morado, Tots Carlos at Jema Galanza – ang host country sa debut ngayong Biyernes ng 7 p.m., Vietnam sa Sabado ng 4 p.m., at Indonesia sa Linggo ng 4 p.m.

Ang ASEAN Grand Prix ay unang itinanghal noong 2019 na may dalawang legs na ginanap sa Thailand at Pilipinas. Ang pambansang koponan ay nagtapos sa ikatlong puwesto sa parehong edisyon.

Kumpleto sa cast sina Premier Volleyball League Invitational Conference Finals MVP Ced Domingo, Jeanette Panaga, Michele Gumabao, Ella de Jesus, Pau Soriano, Kyla Atienza, Fille Cayetano, Kyle Negrito, Rosemarie Vargas at Rizza Mandapat.JC