Ama at stepdaughter, timbog sa buy-bust sa QC

Ama at stepdaughter, timbog sa buy-bust sa QC

July 30, 2018 @ 11:51 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Arestado ang tulak umano ng shabu at kanyang stepdaughter sa buy-bust operation sa Quezon City alas-dos ng madaling araw kanina (July 30).

Walong daang pisong halaga ng shabu ang binili ng operatiba sa suspek na kinilalang si Rolando Cortez.

Inaresto siya kasama ang kaniyang stepdaughter na si Rachel Zamora na nahulihan naman daw ng iligal na droga.

Itinanggi ng mga suspek na nagtutulak sila ng shabu.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na kalalaya lamang ni Cortez nitong Marso dahil sa kasong may kinalaman din sa iligal na droga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Remate News Team