Ama binistay ng bala dahil sa utang

Ama binistay ng bala dahil sa utang

June 1, 2021 @ 12:57 PM 2 years ago


TUBURAN, CEBU – Dahil sa hindi mabayad-bayarang pagkakautang, buhay ang naging kabayaran ng isang mister matapos itong pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek habang ang una ay natutulog katabi ang kanyang pamilya kahapon ng madaling araw sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktima si Arlon Cantay Malirong, 33, construction worker at residente sa sityo Mag-ube, Barangay Sumon, ng lungsod na ito.

Ayon kay Police Staff Sergeant Mark Anthony Zamora, imbestigador sa Tuburan Police Station, dakong 4:00 AM naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon, natutulog ang biktima kasama ang asawa at 3 nitong menor-de-edad na mga anak nang pasukin sila ng armadong kalalakihan.

Dito, agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan kahit pa katabi ang mga anak nito at asawa.

Tinamaan sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan bago tumakas ang mga suspek nag-iwan pa ng salitang “bayad na kini ninyo sa utang nga walay bayad-bayad, o bayad ka na s mga utang nyo na walang bayad-bayad.”

Sa pahayag naman ng misis biktima, naging palaisipan sa kanya kung anong utang dahil sa pagkakaalam niya ay wala silang utang.

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa mga suspek. Mary Anne Sapico