Ama binugbog ng anak sa bisperas ng Father’s Day

Ama binugbog ng anak sa bisperas ng Father’s Day

June 19, 2022 @ 3:20 PM 6 days ago


Bulacan- Arestado ang isang 42-anyos na lalaking driver na bumaril sa kanyang bayaw na nanakit sa sariling niyang ama ilang oras bago sumapit ang Father’s Day sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ang suspek na si Gary Gatmaitan,driver habang ang biktima ay kinalalang si Marino Jr kapwa residente ng Brgy. Sumapang Matanda.

Sa report,nangyari ang inisidente bandang alas-9:20 ng gabi nitong Sabado, sa naturang lugar.

Ayon sa report, nakita ng suspek na sinasaktan ng bayaw niyang si Marino Jr ang kanyang amang si Marino Sr.

Dahil dito at sa hindi pa batid na dahilan ay kumuha ng baril ang suspek hanggang sa tatlong beses pinaputukan ang biktima.

Agad na humingi ng tulong ang ilang kaanak sa mga awtoridad na nagdala sa biktimang may tama sa kanang bahagi ng tiyan at hita sa Bulacan Medical Center para sa paunang lunas.

Kusang loob naman sumuko ang suspek sa mga rumespondeng pulis at isinuko rin ang  cal .38 na may mga  basyo at bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III