Ama kulong sa pagdalirot ng sariling anak

Ama kulong sa pagdalirot ng sariling anak

August 12, 2022 @ 4:20 PM 2 months ago


SANTIAGO CITY- Kulungan ang kinasadlakan ng isang ama matapos ireklamo ng panggagahasa ng kanyang misis dahil sa paulit-ulit nitong ginahasa ang kanilang 13-anyos na anak na dalagita, Huwebes sa lungsod na ito.

Ayon kay PSSgt. Hazel Krislie Ignacio, ng Women and Children Protection Desk at Police Non Commissioned Officer ng Police Station 4, nagtungo sa kanilang himpilan ang ina ng bata para magsampa ng kasong Rape laban sa kanyang mister.

Agad naman inilatag ng mga tauhan ng Santiago City Police Station 4, laban sa suspek na itinago sa pangalan Doroy.

Kwento ng ina na isang OFW, umuwi pa siya ula sa ibang bansa matapos magsumbong ang kanyang anak na ginahasa siya ng kanyang ama.

Ayon sa bata, hindi agad siya nakapag sumbong sa kanyang ina dahil sa tuwing kausap niya ang kanyang nanay sa cellphone ay binabantayan siya.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang biktima na magsumbong sa kanyang tiyahin at ipinarating naman nito sa kanyang kapatid na ina ng bata.

Nahaharap ngayon sa kasong qualified rape at paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse Law) ang suspek./Mary Anne Sapico