Ama ng isa sa mga sangkot sa Salilig hazing case inabswelto ng DOJ

Ama ng isa sa mga sangkot sa Salilig hazing case inabswelto ng DOJ

March 3, 2023 @ 6:25 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinasura ng Department of Justice ang kasong obstruction of justice laban sa ama ng isa sa mga persons of interest sa kaso ng pagpatay sa hazing victim na si John Matthew Salilig.

Sinabi DOJ spokesman Mico Clavano na kulang sa probable cause ang isinampang reklamo ng Binan police kung kaya’t naibasura ang kaso laban kay Gregorio Cruz.

Si Cruz, ang tatay ng may-ari ng sports utility vehicle (SUV) na sinakyan ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi matapos isagawa ang hazing.

Tumanggi umano si Cruz na iturn-over ang SUV sa mga pulis na nagtungo sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro, Paranaque City matapos matagpuan ang bangkay ni Salilig na nakalibing sa Imus, Cavite.

Inaasahang mapapalaya na anumang oras si Cruz.

Samantala, pinayuhan ng DOJ ang publiko maging ang mga nasa barangay na makipagtulungan sa pulisya sa mga isinasagawa nitong imbestigasyon. Teresa Tavares