Ama ng magiging anak ni Winwyn, hindi happy sa gender reveal?

Ama ng magiging anak ni Winwyn, hindi happy sa gender reveal?

January 3, 2022 @ 3:17 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Walang mapaglagyan ang happiness ni Winwyn Marquez nang malaman ang gender ng baby nito!

Sa latest vlog ng actress, ibinahagi nito sa netizens ang ganap sa kanilang Gender Reveal Party with her family and non-showbiz boyfriend.

Makikita sa video na napatalon sa tuwa ang aktres at ang buong pamilya.

Sa huli, may sweet, tight hug pa sila ng boyfriend nito na side view lang ang nakita.

Marami ang nag-congratulate kay Winwyn pero hindi talaga mawawala ang mga negative kahit new year na!

May ilan kasing pumuna sa reaction ng partner ni Marquez.

Mukhang hindi anila masaya ang lalaki.

“First time ko makakita ng guy na ‘di masaya. Karamihan ng mga gender reveal na napapanood ko, both side, they are showing their happiness,” isa sa mga comments from netizens na hindi nagustuhan ang reaksyon ni guy.

May mga makukulit naman na nag-comment ng screenshot ng side view ng guy bilang puro blurred ang mukha nito sa vlog ni Winwyn.

Currently, almost 800 thousand views na ang nasabing video.

Aww. We’re seeing a mini Winwyn Marquez this year! Paula Jonabelle Ignacio