Ama ng pinaslang na ‘middleman’ sa Percy Lapid slay nanawagan ng tulong kay PBBM

Ama ng pinaslang na ‘middleman’ sa Percy Lapid slay nanawagan ng tulong kay PBBM

November 8, 2022 @ 3:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Humingi ng tulong ang ama ng itinuturong middleman sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para mabigyan ng hustisya ang kanyang anak.

Base sa ulat nitong Martes, sinabi ng ama ng umano’y middleman na si Cristito Villamor Palaña na hirap pa rin siyang tanggapin ang pagkamatay ng anak.

“Kung ako lang talaga ‘yung papipiliin gusto ko sana mabigyan ng hustisya ang anak ko. Maganda kung tutulungan ako ng Presidente,” aniya.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Palasyo ukol dito.

Nais din ng ama na mabisita ng apat niyang apo ang burol ni Cristito. Subalit, sinabi niya na hindi umano sapat ang kanilang pera na pamasahe patungong Leyte.

Nakatakdang ilibing si Cristito sa Miyerkules.

Isa si Cristito, isang preso sa New Bilibid Prison, sa mga personalidad na tinukoy ng confessed gunman na si Joel Escorial na umano’y sangkot sa oagoatay kay Lapid noong Oktubre 3 sa Las Piñas City.

Namatay ang middleman sa loob ng Bilibid iang oras matapos ipresenta sa media si Escorial noong Oktubre 18. RNT/SA