Ama ni John Regala, pumanaw na!

Ama ni John Regala, pumanaw na!

July 28, 2021 @ 6:18 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Cardiogenic shock ang sanhi ng pagkamatay ng character actor na si Mel Francisco, Adolfo Padilla Scheerer Jr. sa tunay na buhay. He was 78.

Ito ang ibinalita ng asawa ni Mel na si Jeraldine Mirasol.

Isa sa 17 anak ni Mel ay ang character actor ding si John Regala. Aminado si Mel na babaero raw siya noon.

Pinsang buo naman niya sina Rudy Fernandez (kapatid ng kanyang ina ang nanay nito) at Robin Padilla (kapatid ng kanyang ina ang ama nitong si Roy).

Noong ‘di na aktibo sa showbiz, nanirahan si Mel sa Amerika sa loob ng 27 taon kung saan nagtrabaho siya sa isang car company.

Nang bumalik sa bansa, tahimik silang namuhay mag-asawa sa Laguna kung saan may maliit siyang negosyo.

Ayon kay Mel, memorable daw ang pelikula niyang Mansanas sa Paraiso katambal ang noo’y buntis kay Richard Gomez na si Stella Suarez. Nakita raw ni Mel ang baby pa noong si Richard. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •