Ama niratrat sa harap ng kanyang mag-iina

Ama niratrat sa harap ng kanyang mag-iina

January 26, 2023 @ 9:38 AM 1 week ago


MAGUINDANAO DEL SUR- DUGUAN bumulagta sa harap ng kanyang mag-iina ang isang mister matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng hapon sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.

Kinilala ang biktimang si Ansari Salendab, 37-anyos, at residente sa residente ng Shariff Aguak.

Batay sa report ng Datu Saudi Municipal Police Station, dakong 5:20 PM ng maganap ang krimen sa tapat ng tindahan sa Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan Maguindanao del Sur.

Ayon kay Datu Saudi Ampatuan PNP Commander Lt. Melvin Laguting, sakay ni Salendab ang kanyang asawa at tatlong anak ng minamaneho nitong payun-payong galing Datu Piang.

Pagdating sa nasabing barangay, huminto ang biktima at bumaba ito para bumili sa tindahan habang naiwan ang kanyang mag-iina sa payung-payong.

Dito, bigla na lamang lumutang ang armadong suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa ngayon inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran ikadarakip nitp./Mary Anne Sapico