Pinas ‘di na bibili ng COVID vaxx; 20M doses napanis

August 16, 2022 @9:51 AM
Views:
2
MANILA, Philippines – Hindi na bibili ang Pilipinas ng anumang mga bakuna para sa COVID-19 sa taong ito.
Ito ay matapos ihayag ng Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire ang pagkapanis ng 20.66 milyong doses ng COVID-19 vaccines o aabot sa 8.42%.
Sinabi ni Senator Risa Hontiveros na halos doble ito sa 4.7% na pag-aaksaya ng bakuna noong Hunyo.
“At this rate, Mr. Chair, by October, lalampas na tayo sa threshold ng World Health Organization at acceptable vaccine wastage limit na 10% so we might have accumulated vaccines faster than we could administer them,” ani Hontiveros sa pagharap kay Senate committee on health chairman Christopher “Bong” Go.
Idinagdag ni Hontiveros na sa ₱500 kada doses na nasasayang sa bakuna, nasa humigit-kumulang ₱10.33 bilyon na ang nasayang.
Ayon sa datos na ibinahagi ni Health Undersecretary Ma. Carolina Vida-Taiño, mga 19 milyong doses ang nag-expire. Ito ay mula sa mga donasyon, at mga bili ng mga local government unit at pribadong sektor. Wala sa mga nabili ng pambansang pamahalaan ang nag-expire, ani Vergeire.
Mabuti na lamang ay papalitan itong lahat ng COVAX facility ayon pa kay Vergeire.
Target ngayon ng DOH na makapagbakuna ng booster shot sa 50% na karapat-dapat na populasyon hanggang Oktubre 8.
Sa ngayon, 21% lamang ng target na populasyon ang nakatanggap ng kahit isang booster shot. Sinisisi naman ng DOH sa “sobrang kumpiyansa” ng publiko ang mababang bilang na ito. RNT
Pagbabayad ng expanded compulsory insurance ng OFWs sinuspinde ng POEA

August 16, 2022 @9:37 AM
Views:
6
MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapatupad ng pinalawak na compulsory insurance coverage para sa mga rehired at direct hire migrant workers.
“Considering the improving state of global health, and consequently the opening of borders, as well as the high vaccine rollout, this rule on expanded insurance coverage needs to be revisited,” anang POEA sa isang advisory na may petsang Agosto 5 ngunit inilabas lamang sa publiko nitong Lunes, Agosto 15.
Tinutugunan ng advisory ang Department Order 228, Series of 2021 ng Department of Labor and Employment, na nagpapalawak ng compulsory insurance coverage “during the period of the current public health emergency being faced by all countries” dahil sa COVID-19 at iba pang umuusbong na mga nakakahawang sakit.
Pansamantalang sinuspinde ang pagpapatupad ng patakaran habang naghihintay ng mga konsultasyon at diyalogo sa mga stakeholder ng industriya ng recruitment, kasama ang pagsusumite ng mas pinabuti at bagong insurance coverage.
Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan “Toots” Ople na ang pagsususpinde ay magpapatipid sa mga apektadong manggagawa ng hindi bababa sa $35 (mga ₱1,700) sa mandatoryong insurance coverage at mababawasan ang mga kinakailangan na ipinataw ng mga awtoridad.
Nilinaw din ng DMW chief na sakop pa rin ng mandatory insurance coverage ang mga bagong hired na OFW dahil itinakda ito ng batas. RNT
16 kinasuhan sa pag-divert ng NGO fund sa CCP-NPA

August 16, 2022 @9:24 AM
Views:
16
MANILA, Philippines- Isinapubliko ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes ang pangalan ng 16 na indibidwal na sinasabing bahagi ng pakikipagsabwatan para mapondohan ng pera ng mga dayuhan ang ilang non-government organization (NGOs) na pang-pronta umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at mga kaalyadong grupo nito.
Ang nasabing 16 na indibidwal ay sasampahan ng DOJ ng kasong kriminal matapos na makitaan ito ng probable cause para kasuhan sina:
-
Emma Teresita Cupin,
-
Susan Dejolde,
-
Ma. Fatima Napoles Somogod,
-
Augustina Juntilla,
-
Maryjane Caspillo,
-
Melissa Comiso,
-
Czarina Golda Selim Musni,
-
Maridel Solomon Fano,
-
Jhona Ignilan Stokes,
-
Hanelyn Caibigan Cespedes,
-
Angelie Magdua,
-
Emilio Gabales,
-
Mary Louise Dumas,
-
Aileen Villarosa,
-
Evelyn Naguez at
-
Aldeen Yañio
Sa isang pahayag, sinabi ng DOJ na sina Musni, Fano, Dumas, at Villarosa ay mga miyembro ng CPP-NPA at ginawang payee sa ilang mga tseke na inisyu sa ilalim ng pangalan ng Rural Missionaries of the Philippines at Rural Missionaries of the Philippines – Northern Mindanao Region (RMP-NMR).
Sinabi ng DOJ na batay sa sinumpaang salaysay ng dalawang dating miyembro ng CPP-NPA, inusisa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga bank account ng RMP/RMP-NMR.
Ang isa sa dalawang saksi ay dating finance officer ng iba’t ibang larangan ng CPP-NPA NGO, kabilang ang RMP.
Ayon sa saksi, ang RMP ay nagpapadala ng mga panukalang proyekto sa mga dayuhang nagpopondo. Kapag naaprubahan, ang pera ay idi-divert sa mga komunistang teroristang grupo.
Si Cespedes at Magdua, na kumikilos umano bilang mga cashier at sa utos ni Gabales, ay namahagi ng mga pondo; Nagbigay si Cespedes ng 60 porsiyento kay Fano sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tseke; at si Fano naman ay nagpadala ng pondo kay Yañez, na isang opisyal ng CPP-NPA.
Sina Cupin, Dejolde, Comiso, Caspillo, at Juntilla ay mga miyembro ng RMP board of trustees at may hawak na pangkalahatang pangangasiwa at kontrol sa mga operasyon ng grupo, sinabi pa ng DOJ.
Nauna nang inutusan ng AMLC ang bangko na i-freeze ang RMP accounts sa loob ng 20 araw, na pinalawig ng Court of Appeals sa anim na buwan.
Ang CPP-NPA ay nakalista bilang isang teroristang organisasyon ng United States, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas.
Pormal ding itinalaga ng Anti-Terrorism Council ang National Democratic Front bilang isang teroristang organisasyon noong Hunyo 23, 2021, na binanggit ito bilang “isang integral at hindi mapaghihiwalay na bahagi” ng CPP-NPA na nilikha noong Abril 1973. RNT
Pagbili ng helicopter sa US kinokonsidera ng Pinas

August 16, 2022 @9:11 AM
Views:
16
MANILA, Philippines – Kinokonsidera ng gobyerno ng Pilipinas na bumili ng Chinook helicopters mula sa Estados Unidos matapos iatras ang kontrata sa pagbili sana ng 16 Russian helicopters.
Sa isang online media forum, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na ang kanselasyon ng kontrata ay “precipitated mainly by the war in Ukraine.”
“While there are sanctions expected to come our way, from the United States and western countries, obviously it is not in our interest to continue and pursue this contract,” ayon kay Romualdez.
Ang Chinooks ang ipapalit sa ‘heavy lift helicopters’ na kailangan ng armed forces ng bansa para sa ‘movement of troops at disaster preparedness.’
“I understand the United States has offered to try to come up with a similar amount that we were going to spend with the Russian helicopters. In other words, at a special price,” ani Romualdez.
“The US deal offers maintenance services and helicopter parts,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang, nilagdaan ang military procurement contract noong November 2021 sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ito’y para bumili ng 16 Mi-17 Russian military transport helicopters na may karagdagang unit ng Soviet era heavy-lift aircrafts na isasama ng walang bayad.
Nauna rito, bumuo ang Department of National Defense ng isang komite para gawing pormal ang withdrawal o pag-atras mula sa kontrata na nagkakahalaga ng P12.7 bilyong piso o US$244.2 million.
Tinitingnan din aniya ng gobyerno ang pagkuha ng suplay ng ibang bagay na maaaring kailangan ng bansa mula sa Russia kapalit ng helicopters.
“As part of the payment of the I think, of about US$38 million that we paid the downpayment for the helicopters,” ani Romualdez sabay sabing. “So, in exchange for that, we will probably get some of the arms that we may need.” Kris Jose
DOH: Pag-alis sa COVID state of calamity pwede sa pag-amyenda ng PH Vax Program Act

August 16, 2022 @8:57 AM
Views:
18